Showing posts with label poor. Show all posts
Showing posts with label poor. Show all posts

Friday, August 22, 2008

Sharing crumbs with the poor

Gaudencio B. Cardinal Rosales of Manila talks about Pondo Ng Pinoy, a program of sharing "crumbs" with the poor.

HOMILY OF BISHOP JOSE OLIVEROS

Folk Arts Theater
June 12, 2004



PONDONG PINOY: SIMBAHAN NG MGA DUKHA
Mt. 25:31


Pagkatapos nating marinig kahapon ang maalab at makabagbag-damdaming pagbabahagi ng bagong Arsobispo ng Maynila tungkol sa malagim na katotohanan ng kahirapan at at ang nakakaawang katayuan ng mga mahihirap sa Kamaynilaan at sa buong kapuluang Pilipinas at s akabilang dako naman ay ang udyok ng pag-ibig ni Hesus sa pagtatatag ng Pondo ng Pinoy bilang isang munting hakbang sa ating paglalakbay patungo sa kaganapan ng buhay, parang anti-climactic na lamang ang anumang aking sasabihin na maaari nating pagnilayan bilang karagdagan at pagpapalalim.

Tanging bulag lamang ang makapagsasabing walang kahirapang umiiral sa ating bansang Pilipinas sa kasalukuyan. Bukod sa binanggit kahapon ng mga taong mahihirap na namumuhay sa barong-barong sa mga slums at squatters areas, sa magkabilang panig ng riles na umaabot hanggang sa aming lalawigan ng Bulacan at maaaring lampas pa rito, mga taong namumuhay sa mga kariton, mga sidewalks, at sa ilalim ng mga tulay, mayroon ding mga kapus-palad na ang mga tirahan ay nakatirik sa tabi ng ilog at gilid ng mga bangin gayundin sa ibabaw ng tubig ng dagat.

Noong nakalipas na Linggo lamang dinalaw naming ang isa sa mga island parishes na ginawa naming mission parish sa diocese ng Malolos. Mahirap ang buhay ng tao sa mga lugar na ito. Nabubuhay sila sa biyaya lamang ng dagat na kung minsan ay siya ring sumisira sa kanilang mga ari-arian. Hindi naming alam na napataon an gaming pagdalaw na number 4 pala ang taas ng tubig sa pagtaib ng dagat. Pag number 4 pala ang taib o high tide ay umaapaw ang tubig ng dagat, pinapasok ang kabahayan at ang buong isla ay napupuno ng ng tubig dagat. Napuno ng tubig kahit na ang Simbahan, kaya kami ay lumusok at nakapaglakad sa kalsadang lampas tuhod ang taas ng tubig. Kawawang kalagayan na kinamihasnan na ng mga tao roon na di naman nila malunasan o maiwan dahilan sa kahirapan ng buhay.

Ayon kay Gustavo Gutierrez, isang kilalalng liberation theologian, ang kahirapan ay nangangahulugan ng kamatayan dahil sa gutom, sakit, kakulangan ng mga bagay-bagay para magkaroon ng buhay. Poverty brings not only physical death but also mental and cultural death. Sa ganitong kalagayan, hindi maaaring magwalang bahala o magsawalang-kibo na lamang ang Simbahan. Dapat kumilos ang Simbahan, kung talang ito’y sakramento ng kaligtasan, kung ito’y tunay na Simbahan ni Hesukristo.

Ito ang diwa at pahatid sa atin ng Salita ng Diyos na ating ipinahayag ngayon mula sa Ebangelyo ni san Mateo. Sa dakila at huling paghuhukom, huhukuman tayo sang-ayon sa ating ginawa o hindi ginawa sa pagtulong sa mahihirap at mga taong nangangailangan. Wala sanang taong magugutom o mauuhaw, wala rin gtaong mawawalan ng isusuot at matitirhan, walang taong mamamatay sa lungkot ng karamdaman at ng bilangguan , kung may mga taong magbibigay ng pagkain at inumin, magbabahagi ng kanilang damit at tahanan, maglalaan ng oras sa pagdalaw sa mga maysakit at at mga bilanggo. The state of our economy today, the pitiable plight of the poor throughout the land, the anguished cry of the hungry children, the unhealthy look of people living under subhuman conditions in the dumpsite of Payatas is the result of the selfishness, the greed, the indifference and the indolence of people like us who call ourselves Christians.

Kaya naman kinakailangan panindigan natin ang ating pagiging kristiyano, na bahagi ng SImbahang itinatag ni Kristo. Bilang kaanib ng Simbahan kinakailangang kumilos tayoat magkaisa sa pagbabalikat ng misyong iniatang sa atin bilang bahagi ng Simbahan, a Church on the state of mission. Maliwanag ang misyong ito na ibinigay sa atin ng Panginoong Hesus. Umaalingawngaw ang kanyang tinig sa ebangelyo ngayon. “Sinabi ko sa inyo: nang gawin ninyo ito sa pinakahamak sa mga kapatid kong ito, ito ay sa akin ninyo ginawa…Nang pinagkaitan ninyo ng tulong ang pinakahamak sa mga ito, ako ang inyong pinagkaitan.” Ang mga mahihirap at mga kapus-palad ay nagdadala sa atin ng presensya ni Kristo. Tayong lahat ay magkakapatid kay Kristo. Ang Simbahan ay para sa lahat, mayaman o dukha. O mas dapat nating sabihin marahil ang Simbahan ay may tanging pagmamahal sa mga dukha at sangayong sa pananaw ng Ikalawang Konsilyo Plenario ng Pilipinas, nais nating maging isang tunay na Simbahan ng mga dukha.

Mahalaga sa mga dukha na Makita at makilala na ang Simbahan ay kaibigan nila, hindi lamang isang protector o tagapagbigay sa kanila. Ang Simbahan ay hindi lamang Simbahan para sa mga mahihirap o Church for the poor, kundi Simbahan ng mga mahihirap, a Church of the poor. Nakita natin ang malungkot na larawan ng malayong agwat ng Simbahan sa mga mahihirap sa tinatawag na EDSA III. Bakit ang EDSA Shrine na simbolo ng pakikibaka ng Simbahan laban sa mapang-aping dictadura at baluktot na pamamahala ay kusang dinumihan , inihian saan-saan, tinapunan ng kung anu-ano. Para bagang ibinuhos ang kimkim na galit sa Simbahan ng mga taong galling sa mga slums at squatter areas. Bakit kaya? Bakit hindi nila nararamdaman na ang Simbahan ay kakampi nila? Tanungin nga natin ang ating sarili. Baka ang dating natin sa mahihirap ay ay masyadong nanggagaling sa mataas na posisiyon ng kapangyarihan – a position of privilege and power.

Iba naman aang dating ng Panginoong Hesus para sa atin. Ang kuwento ng Panginoon ay kuwento ng pakikipagkaibigan. I no longer call you slaves but friends. Hindi k na kayo itinuturing na alipin, kundi mga kaibigan. Ang pakikipagkaibigan ay nangangahulugan ng pagkaka-pantay-pantay, pag-iibigan. Kay dapat ang mga bati sa mga dukha ay kaibigan. , mahal kita; kaibigan, kailangan kita; kaibigan, kailangan tayo ay magkaisa. The French poet and philosopher, Albert Camus, captures the essence of friendship when he wrote:

Don’t walk in front of me,
I may not follow.
Don’t walk behind me,
I may not lead.
Walk beside me,
And just be my friend.

Church of the poor, Simbahan ng mga mahihirap. Ang Simbahan na naglalakbay kasama ang mga mahihirap. The Church walking beside the poor and just being a friend of the poor. Ang misyon ng Simbahan sa Pilipinas ay ang makipagdialogo sa mga dukha – dialogue with the poor as friends. Ang dialogo ay hindi basta usapan lamang. Kailangan ang pag-uusap o ang pagsasalita. Pero hindi dapat puro daldal lamang katulad ng nangyayari sa ating Congreso ngayon. Mas kailangan natin siguro ngayon ang daldal- bawas. Kung sinabi natin na may heresy of action, mayroon ding heresy of talking. Kung sa cell phone ay may text and talk, sa Simbahan ay dapat na may talk and act.

Kaya naman ang dialogo ng Simbahan sa mga dukha ay dapat maging dialogo ng buhay at ikabubuhay. Dialogue of life-dialogo ng buhay. Kinakailangang buksan natin ang ating mga mata sa katotohanan ng karukhaan sa ating bansa. Ang ating mga kabataan ay dapat matuto ng pakikipamuhay sa mga dukha. Kahit na ating mga seminarista ngayonay bahagi na ng kanilang paghuhubog ang exposure at pakikipamuhay sa mga mahihirap sa mga mahihirap maging ito’y sa rural o urban areas. Lima sa aming seminarista s Marinduque ay na-expose sa Payatas nitong bago mag-election. Sila ay nagkukuwento sa amin kung paano pinagsamantalahan ng mga kandidato ang mga mahihirap. Tinutukso ng pera para sumama sa rally. Gayon din naman, sa kabila ng marami sa ating mga graduates ang nais mag-abroad pagkatapos nilang mag-aral. Mayroon din kaming alam na mga young professionals na naglalaan ng sarili sa paglilingkod ng walang bayad sa mga mahihirap.

Kung may dialogo ng buhay, dapat may dialogo rin ng ikabubuhay. Dito masusubok natin bilang Simbahan ang ating tunay na pakikipagkaibigan samga mahihirap. Dito pumapasok an gating inilulunsad na Pondo ng Pinoy. Ang Pondo ng Pnoy ay isang konkretong pagpapahayag ng malinaw na pagtawag ng Simbahan na maging SImbaha ng mahihirap. Sana maging bukas tayo sa mga pangangailangan n gating kapwa. Sana magtulungan tayo para sa kanilang ikauunlad. Ang pag-ibig ni Kristo ang nag-uudyok sa atin. Ang salita ni Hesus sa Ebangelyo ang nagbibigay sa atin ng pakikipagkaibigan sa mahihirap.

Sabi ng refrain sa likha ni Fr. Carlo Magno Marcelo, “Anumang magalin gkahit na maliit basta’t malimit ay patungong langit Kahit isang kusing, ito ay may dating sa may pusong may pag-ibig, may panagarap na sasapit at ang tanging sandigan niyang sandigan ay ang Diyos at kapatid.” Ang dakila at huling paghuhukomna inilalarawan sa Ebangelyo nagyon ay ang ating mapapagtagumpayan, kung gagawin nating araw araw ang maliit at malimit nating paghuhukom sa sarili sa pakikiisa sa layunin ng Ponong Pinoy!

Pondo ng Pinoy Theme Song

Theology of Pondo ng Pinoy Part Two

A Brief History

By Ambassador Henrietta T. de Villa

Pondo ng Pinoy is the vision of one man who dares to dream dreams that would move forward the Church in the Philippines as the Church of the Poor – the Archbishop of Manila, Most Rev. Gaudencio B. Rosales.

Enraged by the prevalence of graft and corruption that has kept more than 50% of our population in abject poverty, and moved by compassion for the poor, Archbishop Rosales gathered the priests, religious and laity of the Archdiocese of Manila, along with the dioceses of Antipolo, Cubao, Imus, Kalookan, Malolos, Novaliches, ParaƱaque, Pasig and San Pablo; the Apostolic Vicariates of Puerto Princesa and Taytay; and the Military Ordinariate of the Philippines to launch on June 11-12, 2004 the movement now popularly known as Pondo ng Pinoy (PnP) at the Folk Arts Theatre, Roxas Boulevard, Pasay City. The event brought together some 10,000 delegates from the thirteen participating Particular Churches.

Pondo ng Pinoy took in its fourteenth member at the beginning of 2005 – the Diocese of Daet in Camarines Norte. It is the first Particular Church in the Bicol region to pledge its commitment to the PnP vision.

Pondo ng Pinoy Community Foundation, Inc. is registered with the Securities and Exchange Commission as a non-profit organization that will evolve into a “potential mechanism to consolidate efforts at local poverty alleviation.” PnP is administered by a Board of Trustees composed of distinguished lay leaders, bishops, priests and religious, with the Roman Catholic Church as its initiator, promoter and steward.

Archbishop Rosales, the architect of the Pondo ng Pinoy vision is single-hearted about its objective. PnP is mainly to educate the Filipino people towards a new mindset, a new way of becoming and a new way of living. It aims to engage the various sectors of society, and in the process, consolidate positive responses and attitudes that will lead to the development of a new culture. PnP’s foundational raison d’etre – reason for being – is love of God and love of neighbor. It translates the love of God (Pag-ibig ng Panginoon) into acts of sharing and giving to the last, the lost and the least so that these acts – individual and collective – generate hope for the Filipino people (Pag-asa ng Pilipino).

The love of God and hope of the Filipino are given a value that is actually a “crumb” – 25 centavos. Twenty-five centavos saved daily by parents and their children, by teachers and their students, by parishioners, by every man and woman, by all Filipinos, and turned over to Pondo ng Pinoy will be the concrete response to Jesus’ call, “Love one another as I have loved you.” The accumulated savings will then be distributed by Pondo ng Pinoy to fund projects on education, health care, livelihood, etc. that will directly help the poor live with dignity that is their birth right as children of God. In this way, PnP is not only a value or a method, but a personal and collective paradigm for human development.

In his homily at the Mass that launched Pondo ng Pinoy, Archbishop Rosales emphasized that the development of every Filipino starts with the very poor, and in so doing, “love will be the motivation we have (and) compassion is the only influence we will use. You and I will be surprised at what the love of God will do in us and among us.”

God whose love endures forever has indeed surprised us and continues to surprise us. As we celebrate on June 11, 2005 the first anniversary of Pondo ng Pinoy – with minimal promotion except a focused and calibrated education campaign in the schools, the parishes, the families and some significant private sectors – is now ready to distribute the “crumbs” it has gathered within twelve months, twenty million pesos, through projects that will impact the lives of the poor. And the gathering continues, so, too, will the distributing.

All fourteen Pondo ng Pinoy dioceses, with one heart and one mind, are making alive the axiom “Anumang magaling, kahit maliit, basta’t malimit ay patungong langit.” And their solidarity and passion will continue to throw fire until the whole nation is transformed by the Pondo ng Pinoy vision.

Love – that is what Pondo ng Pinoy is all about. Love that makes one see the possibility of great results. If you have love, join Pondo ng Pinoy. All it takes are a big heart and a piece of “crumb” – 25 centavos.

Pondo ng Pinoy … Pag-ibig ng Panginoon … Pag-asa ng Pilipino!

Theology

Homilies