Friday, August 22, 2008

HOMILY OF BISHOP JOSE OLIVEROS

Folk Arts Theater
June 12, 2004



PONDONG PINOY: SIMBAHAN NG MGA DUKHA
Mt. 25:31


Pagkatapos nating marinig kahapon ang maalab at makabagbag-damdaming pagbabahagi ng bagong Arsobispo ng Maynila tungkol sa malagim na katotohanan ng kahirapan at at ang nakakaawang katayuan ng mga mahihirap sa Kamaynilaan at sa buong kapuluang Pilipinas at s akabilang dako naman ay ang udyok ng pag-ibig ni Hesus sa pagtatatag ng Pondo ng Pinoy bilang isang munting hakbang sa ating paglalakbay patungo sa kaganapan ng buhay, parang anti-climactic na lamang ang anumang aking sasabihin na maaari nating pagnilayan bilang karagdagan at pagpapalalim.

Tanging bulag lamang ang makapagsasabing walang kahirapang umiiral sa ating bansang Pilipinas sa kasalukuyan. Bukod sa binanggit kahapon ng mga taong mahihirap na namumuhay sa barong-barong sa mga slums at squatters areas, sa magkabilang panig ng riles na umaabot hanggang sa aming lalawigan ng Bulacan at maaaring lampas pa rito, mga taong namumuhay sa mga kariton, mga sidewalks, at sa ilalim ng mga tulay, mayroon ding mga kapus-palad na ang mga tirahan ay nakatirik sa tabi ng ilog at gilid ng mga bangin gayundin sa ibabaw ng tubig ng dagat.

Noong nakalipas na Linggo lamang dinalaw naming ang isa sa mga island parishes na ginawa naming mission parish sa diocese ng Malolos. Mahirap ang buhay ng tao sa mga lugar na ito. Nabubuhay sila sa biyaya lamang ng dagat na kung minsan ay siya ring sumisira sa kanilang mga ari-arian. Hindi naming alam na napataon an gaming pagdalaw na number 4 pala ang taas ng tubig sa pagtaib ng dagat. Pag number 4 pala ang taib o high tide ay umaapaw ang tubig ng dagat, pinapasok ang kabahayan at ang buong isla ay napupuno ng ng tubig dagat. Napuno ng tubig kahit na ang Simbahan, kaya kami ay lumusok at nakapaglakad sa kalsadang lampas tuhod ang taas ng tubig. Kawawang kalagayan na kinamihasnan na ng mga tao roon na di naman nila malunasan o maiwan dahilan sa kahirapan ng buhay.

Ayon kay Gustavo Gutierrez, isang kilalalng liberation theologian, ang kahirapan ay nangangahulugan ng kamatayan dahil sa gutom, sakit, kakulangan ng mga bagay-bagay para magkaroon ng buhay. Poverty brings not only physical death but also mental and cultural death. Sa ganitong kalagayan, hindi maaaring magwalang bahala o magsawalang-kibo na lamang ang Simbahan. Dapat kumilos ang Simbahan, kung talang ito’y sakramento ng kaligtasan, kung ito’y tunay na Simbahan ni Hesukristo.

Ito ang diwa at pahatid sa atin ng Salita ng Diyos na ating ipinahayag ngayon mula sa Ebangelyo ni san Mateo. Sa dakila at huling paghuhukom, huhukuman tayo sang-ayon sa ating ginawa o hindi ginawa sa pagtulong sa mahihirap at mga taong nangangailangan. Wala sanang taong magugutom o mauuhaw, wala rin gtaong mawawalan ng isusuot at matitirhan, walang taong mamamatay sa lungkot ng karamdaman at ng bilangguan , kung may mga taong magbibigay ng pagkain at inumin, magbabahagi ng kanilang damit at tahanan, maglalaan ng oras sa pagdalaw sa mga maysakit at at mga bilanggo. The state of our economy today, the pitiable plight of the poor throughout the land, the anguished cry of the hungry children, the unhealthy look of people living under subhuman conditions in the dumpsite of Payatas is the result of the selfishness, the greed, the indifference and the indolence of people like us who call ourselves Christians.

Kaya naman kinakailangan panindigan natin ang ating pagiging kristiyano, na bahagi ng SImbahang itinatag ni Kristo. Bilang kaanib ng Simbahan kinakailangang kumilos tayoat magkaisa sa pagbabalikat ng misyong iniatang sa atin bilang bahagi ng Simbahan, a Church on the state of mission. Maliwanag ang misyong ito na ibinigay sa atin ng Panginoong Hesus. Umaalingawngaw ang kanyang tinig sa ebangelyo ngayon. “Sinabi ko sa inyo: nang gawin ninyo ito sa pinakahamak sa mga kapatid kong ito, ito ay sa akin ninyo ginawa…Nang pinagkaitan ninyo ng tulong ang pinakahamak sa mga ito, ako ang inyong pinagkaitan.” Ang mga mahihirap at mga kapus-palad ay nagdadala sa atin ng presensya ni Kristo. Tayong lahat ay magkakapatid kay Kristo. Ang Simbahan ay para sa lahat, mayaman o dukha. O mas dapat nating sabihin marahil ang Simbahan ay may tanging pagmamahal sa mga dukha at sangayong sa pananaw ng Ikalawang Konsilyo Plenario ng Pilipinas, nais nating maging isang tunay na Simbahan ng mga dukha.

Mahalaga sa mga dukha na Makita at makilala na ang Simbahan ay kaibigan nila, hindi lamang isang protector o tagapagbigay sa kanila. Ang Simbahan ay hindi lamang Simbahan para sa mga mahihirap o Church for the poor, kundi Simbahan ng mga mahihirap, a Church of the poor. Nakita natin ang malungkot na larawan ng malayong agwat ng Simbahan sa mga mahihirap sa tinatawag na EDSA III. Bakit ang EDSA Shrine na simbolo ng pakikibaka ng Simbahan laban sa mapang-aping dictadura at baluktot na pamamahala ay kusang dinumihan , inihian saan-saan, tinapunan ng kung anu-ano. Para bagang ibinuhos ang kimkim na galit sa Simbahan ng mga taong galling sa mga slums at squatter areas. Bakit kaya? Bakit hindi nila nararamdaman na ang Simbahan ay kakampi nila? Tanungin nga natin ang ating sarili. Baka ang dating natin sa mahihirap ay ay masyadong nanggagaling sa mataas na posisiyon ng kapangyarihan – a position of privilege and power.

Iba naman aang dating ng Panginoong Hesus para sa atin. Ang kuwento ng Panginoon ay kuwento ng pakikipagkaibigan. I no longer call you slaves but friends. Hindi k na kayo itinuturing na alipin, kundi mga kaibigan. Ang pakikipagkaibigan ay nangangahulugan ng pagkaka-pantay-pantay, pag-iibigan. Kay dapat ang mga bati sa mga dukha ay kaibigan. , mahal kita; kaibigan, kailangan kita; kaibigan, kailangan tayo ay magkaisa. The French poet and philosopher, Albert Camus, captures the essence of friendship when he wrote:

Don’t walk in front of me,
I may not follow.
Don’t walk behind me,
I may not lead.
Walk beside me,
And just be my friend.

Church of the poor, Simbahan ng mga mahihirap. Ang Simbahan na naglalakbay kasama ang mga mahihirap. The Church walking beside the poor and just being a friend of the poor. Ang misyon ng Simbahan sa Pilipinas ay ang makipagdialogo sa mga dukha – dialogue with the poor as friends. Ang dialogo ay hindi basta usapan lamang. Kailangan ang pag-uusap o ang pagsasalita. Pero hindi dapat puro daldal lamang katulad ng nangyayari sa ating Congreso ngayon. Mas kailangan natin siguro ngayon ang daldal- bawas. Kung sinabi natin na may heresy of action, mayroon ding heresy of talking. Kung sa cell phone ay may text and talk, sa Simbahan ay dapat na may talk and act.

Kaya naman ang dialogo ng Simbahan sa mga dukha ay dapat maging dialogo ng buhay at ikabubuhay. Dialogue of life-dialogo ng buhay. Kinakailangang buksan natin ang ating mga mata sa katotohanan ng karukhaan sa ating bansa. Ang ating mga kabataan ay dapat matuto ng pakikipamuhay sa mga dukha. Kahit na ating mga seminarista ngayonay bahagi na ng kanilang paghuhubog ang exposure at pakikipamuhay sa mga mahihirap sa mga mahihirap maging ito’y sa rural o urban areas. Lima sa aming seminarista s Marinduque ay na-expose sa Payatas nitong bago mag-election. Sila ay nagkukuwento sa amin kung paano pinagsamantalahan ng mga kandidato ang mga mahihirap. Tinutukso ng pera para sumama sa rally. Gayon din naman, sa kabila ng marami sa ating mga graduates ang nais mag-abroad pagkatapos nilang mag-aral. Mayroon din kaming alam na mga young professionals na naglalaan ng sarili sa paglilingkod ng walang bayad sa mga mahihirap.

Kung may dialogo ng buhay, dapat may dialogo rin ng ikabubuhay. Dito masusubok natin bilang Simbahan ang ating tunay na pakikipagkaibigan samga mahihirap. Dito pumapasok an gating inilulunsad na Pondo ng Pinoy. Ang Pondo ng Pnoy ay isang konkretong pagpapahayag ng malinaw na pagtawag ng Simbahan na maging SImbaha ng mahihirap. Sana maging bukas tayo sa mga pangangailangan n gating kapwa. Sana magtulungan tayo para sa kanilang ikauunlad. Ang pag-ibig ni Kristo ang nag-uudyok sa atin. Ang salita ni Hesus sa Ebangelyo ang nagbibigay sa atin ng pakikipagkaibigan sa mahihirap.

Sabi ng refrain sa likha ni Fr. Carlo Magno Marcelo, “Anumang magalin gkahit na maliit basta’t malimit ay patungong langit Kahit isang kusing, ito ay may dating sa may pusong may pag-ibig, may panagarap na sasapit at ang tanging sandigan niyang sandigan ay ang Diyos at kapatid.” Ang dakila at huling paghuhukomna inilalarawan sa Ebangelyo nagyon ay ang ating mapapagtagumpayan, kung gagawin nating araw araw ang maliit at malimit nating paghuhukom sa sarili sa pakikiisa sa layunin ng Ponong Pinoy!

No comments: