Friday, August 22, 2008

Report of the First Day of Pondo ng Pinoy Launching

FR. DENNIS ESPEJO
Pondo ng Pinoy
Folk Arts Theater

Magandang umaga po sa inyong lahat.

Nagsimula ang araw kahapon sa pamamagitan ng pagdating ng mga masigasig na mga delegado mula sa iba't-ibang sektor ng lipunan at mga delegado mula sa ibat ibang diyosesis at arkideyosesis.

Pormal na nagsimula ang palatuntunan kahapon sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Banal na Misa na pinangunahan ng Lubhnag Kagalang-galang Gaudencio B. Rosales, D.D., Arsobispo ng Maynila. Kasama sila Lubhang Kagalang-galang Deogracias IƱiguez , Obispo ng Diyosesis ng Caloocan at Edgardo Sarabia Juanich , Obispo ng Apostoliko Bikaryato ng Taytay.

Binigyang diin sa homilya ang tunay na kalagayan ng bawat mamamayang Pilipino sa

- maynila halos kalahati ng populasyon ay maralita o mahirap
- ang mga nagtataasang mga gusali at magarang tirahan ay patunay lamang na pagsasalarawan ng totoong sitwasyon ng bawat isa.
- ayon sa isinagawang pambansang pananaliksik 63% ng mga pilipino ay mahirap.

Ito ay sa kadahilanang halos 40% ng pera ng Gobyemo ay napupunta lamang sa mga mapagsamantalang nilalang na kung tawagi'y pulitiko---- bunsod nito ang pulitika sa ating bansa ay nababalot ng pagkasakim at pagkagahaman.

Ang mga nagaganap na ito ay isang tanda ng panahon na magsisilbing hamon para sa bawat isa.... Ang isang makabuluhang pagmamalasakit at pagmamahal natin sa ating mga kapatid, ang muli nating hindi pagpapabaya na mangyari " ang dukha kapag may eleksyon inaakit, pag may rally ginagamit."

Ang Ebanghelyo mula kay San Lukas hinggil sa isang mayaman at si Lazaro. Si Lazaro na isang taong mahirap ay walang ninais kundi ang magkaroon man lamang ng mumu na nahuhulog mula sa mesa ng lalaking mayaman.

Ang mayamang lalaki ay hindi napunta sa impierno dahil sa siya ay mayaman bagkus ang pagkakait nito kay Lazaro ng mumu upang maibsan nito ang gutom.

“ Ang anuman magaling, kahit maliit, basta't malimit ay patungong langit."

Ang paglulunsad ng pondo ng pinoy ay tugon sa panawagan at mithiin ng Diyos para sa ating lahat .... mayaman man o mahirap, malakas o mahina, bata, matanda, may dunong o wala.... Ito ay ang pagkakaroon ng kaganapan ng buhay na kasiya-­ siya...

Ang Pnp o Pondo ng Pinoy ay para sa lahat
Ang PnP ay pagibig ng Panginoon
Ang PnP ay pag asa ng Pilipino

Pagkatapos ng banal na Misa ay nagkaroon po ng merienda at ilang pampasiglang bilang at paglulunsad ng Theme song ng Pondo ng Pinoy na pinamagatang " Kahit isang Kusing" na nilikha ni Reb. P Carlo Magno na inawit ni Noel Cabangon at mga kasama.

Ang ang mga panayam ng mga paglalahd tungkol sa m ga tanda ng panahon ay pingangunahan nina:

Dr. Ernesto Gonzales , na nagmula sa UST Social Research Center
Dr. Mina Ramirez , ng Asian Social Institute
at Sr. Andy Collantes, OSB ng St Scholastica's College.

Sa kanilang pagsasalita , kanilang inilahad ang kalagayan ng Pilipinas sa pananaw na pang ekonomiya, pulutika, kulturang panlipunan at Kristiyanong spiritwal.

Tinuran sa paglalahad na pulitika ang dahilan ng patuloy na pagbagsak ng ekonomiya. At hanggang hindi natin tinatangkilik ang sariling atin, patuloy na maghihirap tayo.

Bagamat mahirap tayo, ang Pilipino ay mahirap lamang sa pera subalit mayaman naman sa kaloob ng Diyos.

Sa ganap na alas-dose y naganap ang pagdarasal ng orasyon sa pangunguna ng l ubhang kagalang-galang Ramon Arguelles, arsobispo ng lipa.... kasunod nito ang pagkain ng tanghalian.

Pagkatapos ay tinuloy ang ikatlong paglalahad. Ang kakulanagn ng katahimikan ay malaking dahilan kung kaya't di natin nadidinig ang tinig ng Diyos at malaman ang tunay niyang kalooban para sa atin.

Ang kasalukuyang kalagayan natin ay inihalintulad sa " pagaagaw ng dilim at liwanag" na ito'y maaring tanda ng dapithapon o maari din namang tanda ng isang bagong umaga, ang pagbubukang liwayway.

Matapos ilahad ang mga tanda ng panahon, nagbigay ng panayam at pagninilay ang Obispo ng Imus , Obispo Luis Antonio "Chito" Tagle, D.D. sa diwa ng pananampalataya. Ipinahayag niya ang saligang prinsipyo ng Pondo ng Pinoy, ang teolohiya ng mumo. Sa kanyang pagninilay, binanggit niya na natukoy ng Panginoong Hesus ang uri ng karamdaman, isang pananampalatayang maysakit , kaya nagkasakit ang ekonomiya, pulitika, pamilya at lahat-lahat na.

Ayon sa pagninilay ni Bishop Chito, may 3 sintomas ang maysakit na pananampalataya:

Una ekonomiya ng pagkamkam
Ikalawa politika ng pagkamanhid
Ikatlo relihiyon ng itinatagong Diyos

Kung may sintomas o may sakit, mayroon ding tunas:
sa sakit na ekonomiya ng pagkamkam
Ang lunas ay ekonomiya ng pagtitiwala sa Diyos
sa sakit na politika ng pagkamanhid
ang lunas ay politika ng pagmamalasakit
sa sakit na relihiyon ng itinatagong Diyos
ang lunas ay relihiyon ng buhay na Diyos

Nagkaroon din ng bahaginan kahapon ang magkakatabi ukol sa mga panayam na sinundan ng pananalita at pagbabahagi ng mga Obispo.

Ang maghapon ay binigyan ng kulay ng mga pagtatanghal at pampasiglang awit na pinagunahan ng mga kabataan ng Batangas at ng Oasis of Love Music Ministry.

Ang daloy ng palatuntunan naman ay pinamahalaan ng ating mga buhay na buhay na emcees na sina Ces Quesada at Reb. P Eric Santos.

Nagwakas ang palatuntunan sa pamamagitan ng panalangin ng takipsilim.

Umuwi po tayong lahat bagama't pagod ang katawan, ngunit masigla naman ang diwa't isipan dahil sa isang mayaman at makabuluhang maghapon.

Isang magandang umaga po sa inyong lahat!
Mabuhay ang Pondo ng Pinoy!

No comments: